If you’ve ever experienced how unfair our justice system is, here are even more reasons to #NeverForget and say #NeverAgain. A thread:


Nung panahon ng Martial Law, maraming naging biktima ng human rights violations. Maraming dinakip. Maraming tinorture. Meron ding mga pinatay. Pero hindi lang tao ang pinatay ng Martial Law. Today I will tell you the story of how the Marcoses killed justice in the Philippines.


It all began a week after Martial Law was declared. September 29, 1972, Ferdinand Marcos issued Letter of Instruction No. 11. Anong nakalagay sa LOI 11? Lahat ng nasa gobyerno, dapat mag-submit ng letters of resignation—pati mga judge.


Marcos was in possession of all of these letters of resignation and he could accept them anytime. Kung meron siyang hindi magustuhan na judge, kunyari magkaroon ng desisyon na hindi sang-ayon sa kaniya, tinatanggap na lang niya ang resignation at tanggal na sa serbisyo ang huwes.


Pero hindi siya nakuntento doon. Several months later, in January 1973, pinalitan ni Marcos ang konstitusyon at umiral na yung 1973 Constitution.


Anong nakalagay sa transitory provision niya? “All judges and justices up to the Supreme Court will continue in office until the age of 70 years old unless the President decrees otherwise.”


Anong ibig sabihin nun? Ang ibig sabihin, mula 1972 hanggang 1986, hawak ni Marcos sa leeg ang lahat ng judge at justice sa Pilipinas. Magi-issue lang siya ng isang decree at tanggal na sa trabaho, wala na sa pwesto ang justice o yung judge na iyon.


Kaya masasabi natin na nung panahon ng Martial Law ni Marcos, hindi lang siya ang chief executive, at hindi lang siya ang lawmaking authority (dahil inangkin na rin niya yung lawmaking power); siya na rin ang may control sa ating justice system. Judicial capture ang nangyari.


Pero isipin ninyo ang epekto niyan sa mga abogado. Kung lawyer ako noon, alam kong ang judge ay may koneksyon sa Malacañang kaya siya nakaupo. At dahil gusto ko din ng malalaking kliyente at bayad, dapat ako rin may konek sa palasyo para lumapit sakin yung malalaking kumpanya.


Yun ang nangyari sa ating legal profession. Some lawyers became glorified fixers. Ang mga kaso nila, naipanalo hindi dahil makatarungan, kundi dahil sila ay dikit sa Malacañang. Hindi lahat ng abogado noon e tulad nila, pero malaki ang pinsalang ginawa nila sa legal profession.


Kaya masasabi natin na ang pinatay ng mga Marcos noon ay mismong sistema ng hustisya ng Pilipinas. At hanggang nayon, nandiyan pa din yung epekto ng pagkapatay ng justice system sa atin.


Isipin ninyo, yung mga network ng mga fixer na yan na abogado nung panahon ni Marcos, hindi naman nabuwag yan. Tuloy-tuloy, hanggang ngayon, nag o-operate pa rin yang mga corrupt na yan. At hindi lang sila nag o-operate, dumami pa.


Kaya ako nga sinasabi ko sa mga estudyante ko sa law school: akala niyo mahirap mag-aral ng Law, o pumasa ng Bar Exam? Naku, pag naging abogado na kayo, you will be faced with the biggest moral dilemma of your life.


“Ako ba yung magiging abogado na maayos at diretso, o abogadong makikipag-ayos na lang at makikisama diyan sa mga corrupt na yan?” And that is the real legacy of the Marcoses. No amount of historical revisionism can change that truth.


Malaking rason sila kung bakit hindi patas ang hustisya sa atin, at bakit doble kara ang katarungan sa Pilipinas. Kung mayaman ka, may kapangyarihan ka, siguro ay makakatikim ka ng hustisya. Pero kung ordinaryong mamamayan ka, asa ka pa na makakuha ka ng hustisya.


Ano ngayon ang magagawa natin para ayusin itong bulok na sistema ng hustisya? Sa akin, meron tayong apat na magagawa at dapat hingin sa ating pamahalaan. Una, cleanse the judiciary. Kailangan matanggal yung mga corrupt sa ating court system.


Pangalawa, dapat mabuwag yung mga network na yan na nag-aayos ng kaso. Pangatlo, kailangan mapuno natin ang lahat ng mga bakanteng puwesto sa ating mga judge at prosecutor ng mga maayos na mga abogado—lawyers who are honest and dedicated to serving the people.


Panghuli, we need to establish a truly civilian police force that is trained in gathering evidence, punishing the guilty, protecting the innocent, and respecting human rights.


Kaya ngayong anibersaryo ng Martial Law, magandang pag-isipan natin itong tunay na problema ng bayan. Kasi kung tutuusin, ang pinakamalaking hadlang sa ating pag-asenso bilang isang bansa ay itong bulok na sistema ng hustisya na umiiral sa atin.


Top